RULES:
*no sTicKy cApS
*avoid txt l1ng0w
*use detailed story [if necessary]

need advice?
fill up this FORM.

hit counter

Hello po.

Ako po si Jes. Nirecommend po ng kaibigan ang blog na ‘to. Ngayon ay sinusubukan ko na:

Mayroon akong bestfriend ever since. Tingin po samin ng iba ganun dahil lagi kame magkasama. Pero habang patagal ng patagal, paiba na kame ng paiba. Since HS, iba na din di niya lang alam. May nagtanong pa nga samin kung magbestfriend ba kame?  I answered YES at proud pa ko, sabay kame nagkasagot nun she answered NO! sakiit nun. Lagi ko lang pinagbibigyan kasi akala ko sa ganung paraan eh hindi na lalaki pa. Umabot na po kame ng college, ganun pa din siya. Napaka insensitive niya. Sa totoo lang napag usapan na namen about dito, but then again and again. Nothings change. Bat ba kasi siya ganun na kapag may new friend siya na iichapwera na ako o kaya kapag tatlo lang kame lagi siyang nang oo.p? Look, in the first place she is my bestfriend dapat alam niya kung kelan na ako nasasaktan. I know, hindi rin ako perpekto alam ko yun at tanggap ko. Alam ko din na masakit ako magsalita. Marami rin akong maling nagawa sa kaniya, but most of the reasons kasi gusto ko maramdaman niya din nararamdaman ko, kahet na alam kong mali. Pinagbigyan ko siya ulet, at nag-adjust ako kasi akala ko naman mararamdaman at mag-aadjust ulet siya. Ilang beses na ako nag adjust sa kanya. Pero di pa rin niya maramdaman at  lagi iniiwasan. I did my best but I guess my best wasn’t good enough. Di niya alam na kapag namomroblema ako at nananahimik ako, di niya alam siya ang problema ko.Akala niya walang problema pero meron MALAKI.
Ikaw na nilapitan ko, dahil di ko na kaya, 3years ko na to problema sa kanya. Hindi ko siya pinaplastik o binabakstab. Hindi ko lang alam kung papano ko sasabihin sa kanya. I know, Once na sabihin ko to sa kanya. Hindi ko alam kung anong mangyayari.

Thank You!
Friend of Mine

Jes.
Gusto ko lang itanong, nasisigurado ka bang bestfriend mo talaga siya? Kasi sa mga nandito na kwento mo, sa tingin ko eh “matagal” na magkaibigan lang kayo at hindi bestfriends.

Kasi una sa lahat, bakit hindi ka niya tinuturing na bestfriend? Ano `to? One sided bestfriendship, ganun? Pangalawa, parang kaibigan ka lang niya kapag wala na siyang mapuntahang iba, kumbaga ikaw ang last option niya. Pangatlo, kung magbestfriends talaga kayo, bakit ngayong may problema ka na halos ilang years mo nang tinatago eh hindi mo masabi sa kanya?

A three years problem? Hindi biro ang ganyan. Parang pinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw ka naman tanggapin. Masakit `yan ah? Why not talk to that person? Paano? Well, sabihin mo sa kanya “Uy, okay lang ba usap tayo?” or mag open forum kayong dalawa. As in kayong dalawa lang ah, para magkaintindihan kayo. Magbestfriends kayo, sa tingin ko magagawa mo siyang makausap—wag kang mahiya.

I hope maayos niyo na ang problema sa side mo. Malay mo may problema din sa kanya at dahil hindi mo sinasabi eh hindi din niya sinasabi sa`yo. Pataasan ng pride, para bang ganun. Make a move, kausapin mo siya. Mas mabuti kung hindi mo sasabihin ang issue na `to sa ibang tao kasi baka magkailangan kayo, mas maganda kung kayong dalawa ang mag usap tungkol dito, okay? Goodluck. :]

Uhm. Sorry po a? Paulit-ulit po ako dun sa move on.
Aray naman po ang sinabi nyo! Sorry po a?

Kasi po, yung ex nya, basta nalang nyang inayawan. kaya po natatakot ako na ganun rin sya sakin. :| Sabi po nung friend ‘ko na classmate nya, basta nalang daw po ni T inayawan yung ex nya, then BREAK! Pero yung si Ex naman daw po, shocked. Pero parang ayos lang sa kanya. Sorry po a? Ang kulit ko po. Ayaw ko lang masaktan ng sobra. ayaw kong matulad sa ex nya.

K? Sorry po ule! :)))

Makikinig na po ako sa inyo! I’ll be busy. I’ll always be happy. Thanks po sa advice nyo. Napa-okay po ako ng advice nyo kahit masakit yung ibang terms. Pero, okay po! Salamay po! Sorry again. :( :D

sorry.
Nakonsensya naman ako sa mga words ko. So una sa lahat, pasensya na din sa mga nasabi ko pero hindi ka kasi nagbabasa(nakikinig) eh. May kakilala kasi ako na laging sinasabing “ayoko na ayoko na” pero sige pa din nang sige tapos hihingi ng advice then the next day “ayoko na ano ba gagawin ko?” at nakakainis ang paulit ulit kasi halata mo sa taong `yun na hindi sila handang makinig pero sila pa mismo humihingi ng advice, di ba?

Hindi ko naman minamasama. Alam kong ayaw mong masaktan dahil lahat naman tayo takot masaktan pero face the fact na kahit saang anggulo pa tignan ang buhay pag ibig mo ngayon eh masasaktan ka talaga. Kung ugali talaga niya ang biglang mang iwan, wala na tayong magagawa dun pero I suggest na kausapin mo siya, just to clear things up. Pero kung ayaw, PAKISAPOK PARA SA AKIN.

Alam mo naman na to pero sasabihin ko pa din. Okay lang masaktan kasi matututo ka kapag nasaktan ka na. Life experience `yan at sa tingin ko eh bata ka pa, KAILANGAN MONG MAGING MATATAG dahil sobra pang dami ang mararanasan mong sakit.

So ayun, pasensya na sa mga words ko kasi inulit ko lang naman talaga sinabi ko eh. Minsan mga tao mahirap iapproach kaya kailangan ng iba`t ibang gimik. Joke, pasensya na kung nasaktan ka sa mga words ko at humihingi ako ng kapatawaran.

Ngiti lang. :]

Ako po si S at ang fist love ko po si T.

Grabe po. Naging crush ko na po si S dati pero mga 3 days lang. HIndi ko po ine-expect na after 5 months, magiging MU kami.Sobrang unexpected po. Nakakatawa nga po kung pano ko sya naka-usap at pano ako nainlove sa knya. After mga 1 Month na MU, Sobra po namin sweet. Sobrang saya namin pag nag-uusap kami. Sobrang mahal ko na po sya. Pero may mga problema po eh. First, yung bestfriend ko dati crush rin si S. Second, yung isa ko pong cousin crush rin si T kaya parang nagtampo sya ng konti. Third, halata naman pong ayaw sakin nung sister nya. Pero kahit ganun po, strong parin kami. Kahit MU lang kami. May masama pong nangyare eh. Dapat po, 5 months na kaming MU. Kso, wala po eh! Nawala lahat ng feelings nya. Dahil po bakasyon na. Wala na kaming connection. Malungkot. My friends always helps me para makausap lang sya. So yun nga po, ang saya ko! Kaso, yung bakasyon talaga eh! Mga 2 weeks po akong ‘di nakaka-online sa fb. (Dun po kasi kami nagccommunicate eh.) After 2 weeks ko po nang di pag-oonline. Boooom! Wala na! HIndi na po sya nag-oonline. Tas after 1 month. Dun palang sya nag-oonline. Pero hindi na po kami nagcchat eh. wala na po talaga. Wala ng chance para maibalik yung dati. :| Hey! How to move on? Mahal na mahal ko parin sya eh kahit ang sakit sakit na. :(

Pesteng bakasyon yan! Panira. :’( How po to move on? How? :( Sana po matulungan nyo po ako. My first love, my first heart breaker. :|

Kung saka, may minahal ka na, nawala pa. Hindi man kami, pero mahal na mahal ko eh. :|

Sanang sana po, matulungan nyo ako.

loveyou.
Hindi ko sana sasabihin ito pero ewan ko ah? Pangatlong beses na `tong message na ito at halos pare-parehas lang naman ang point ng mga message. The story about you with your kaMU and the heartbreak plus the how to move on part.

Alam mo kung ano problema sa`yo? Ayaw mo makinig. :|

Sinasabi ko na rather, tinatayp ko na lahat ng pwedeng ways na pampagaan ng loob mo pero mukhang ayaw mo ata talaga makinig. I know, first love mo siya. I know, pero sa umpisa kasi—HINDI NAMAN KAYO. Boom!

Sure ka bang MU talaga kayo? Bakit mas pinili niyo pang maging mag MU kung mahal niyo isa`t isa? No strings attached ang drama para less drama? Eh anong nangyayari ngayon, hindi ba drama din `yan?

Alam kong mahirap makacope up sa mga first love natin kasi SILA ang una nating minahal at wala na tayong magagawa doon. Tska nagtataka lang ako, hindi lang siya nag online at hindi ka lang chinat, MOVE ON AGAD? Bakit hindi mo muna siya kausapin tungkol sa “inyo” kung meron man dahil hindi mo ba naisip na busy siguro siya kaya hindi ka niya nakakausap pag online? Never expect, don`t assume kasi sa huli, ikaw din ang masasaktan.

Talk to that person first bago ka mag move on kasi naman magmumove on ka sa isang bagay na medyo (sorry for the term) shallow ang reason. Hindi lang kinausap wala na kayo, ganun? Wag mo sirain ang isang bagay na hindi pa naman nasisira. TALK. You can move on if you`ll know WHAT IS THE REASON and accept it.

AND AGAIN, make yourself busy. Nung broken hearted ako sa letsugas kong *toot*, GUMAWA AKO NG ADVICE BLOG. At hanggang ngayon makalipas ang apat na taon, on going pa din ang pagbibigay ko ng payo. Try mo lang. :]

May naging ka-MU po ako. First MU. First love ko po yun. Pag ka graduate po namin, nawala na po lahat. Tas hiwalay pa kami ng school na papasukan. Uhm, hndi po talaga ako makamove-on. Nung start po ng bakasyon may communication pa kami. Nung May po, naisipan ko pong magdeactivate ng facebook acc ko. Dun po yung simula ng wala akong connection sa kanya. Alam ko naman po, Hindi na kami MU. Pero kung saka po, parang love ko na, saka naman nawala. Pano po ako magmomove-on?

sentier99.
Learn to accept and you can move on easily.

Hindi man ganon kabilis tulad ng iba, at least alam mo na kapag dumaan ulit siya sa buhay mo, hindi ka na maaapektuhan ng sobra. Wag mong isipin na “kailangan ko na mag move on” dahil once na iniisip mo `yan parati, maiisip mo din parati yung taong kaMU mo. Keep yourself busy, wag masyadong mag isip. Kung maisip mo siya bigla, ayos lang din. Tanggapin mo na lang talaga lahat, enjoy your life, be with your family and friends. Do something new. :]

themed by coryjohnny for tumblr